Founded by Dr. Randy Dellosa,Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviours. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com
First day ng March ngayon - Welcome March! :D
Tapos na ang theme na Healing the Inner Child, ngayon namang week ang them ay FORGIVENESS. During the morning session, nagkaroon kami ng light activity as an introduction to our theme. Nagkaroon kami ni Nadz ng chance na makasali sa first group. Parang Picture Perfect kasi yung activity namin nun, kung saan mag-iisip kami ng 3 to 5 scenes na nagpapakita ng 'forgiveness'. Sa group 1 kami napunta ni Nadz kasama yung karamihan sa mga 'slow' residents, slow, sila kasi yung mga residents na mababagal talaga, yung tipong hindi magalaw samantalang yung mga active ay nasa group 2. Nahirapan nga kami sa brainstorming kasi hindi lahat nagsasalita, actually 4 lang yung naisip namin tapos nag-back up na lang kami ng isa. Hehe.. Pero I was surprised to find out na yung group pa namin yung nanalo! Wow talaga. Galing! Galing!. Hehe.. So we started the day light but we wanted it to end a little personal and serious kaya tinuloy na namin sa afternoon session yung unang suggestion ni Laura na activity. Dun sa activity na yun, kailangang mag-alala yung mga residents ng isang tao na nakasakit sa kanila, once na naalala na nila, iisipin nila na sila yung taong yun at magsusulat sila ng letter asking for forgiveness sa sarili niya or sa kanya talaga since sila naman yung nasaktan ng taong yun. Inaantok talaga ko ng mga panahon na yun kaya kinakausap ko na alng yung mga residents sa table ko para magising-gising naman ako, pero I did not dare asked them kung ano yung nakasulat sa letter nila, tinanong ko lang kung sino yung naisip nila. During the processing part by Kalya, nag-share naman yung karamihan sa kanila ng mga letter nila, except lang sa isang female resident na tumanggi, at sa iba pa na hindi nag-volunteer. Haay. Grabe yung atmosphere dun sa session hall kanina, naramadaman ko talaga siya, as in ang bigat, inaantok na nga ko tas ang bigat pa ng pakiramdam ko, pero pinilit ko makinig sa mga sinasabi nila, minsan lang magkaron ng ga'nong discussion nang kasama kami.
Today I had gained so much insights and learning rfrom the residents mismo, at sa meeting namin with Sir Al after, although hindi ko na-share yun sa meeting namin. Sa morning pa lang, narinig ko na yung humulity and sincerity na kailanga kapag humihingi ng forgiveness. Actually, right now, I'm on the process of asking for forgiveness to someone na nasaktan ko, sabi nga niya, and while listening to the residents in the morning session, I asked myself whether ako ba ay sincere at nagpapakumbaba nang nag-sorry ako sa taong yun? Naalala ko din ng matanong ni Kuya M kung bakit daw mahirap para sa iba yung magpatawad, at ang sagot ng iba pang resident dun- dahil sa PRIDE. Exactly. Throughout the years na nag-aaway kami ng taong yun, yung pride yung pumipigil samin para magbati. Sadly, pero totoo. Ma-pride akong tao.
During our meeting with Sir Al, dun ko nalaman na hindi lang pala ako yung nakakaramdam ng ganun, may iba din pala, so hindi ako nag-iisa. Hindi ako yung nag-iisa na mayy problema when it comes to self-disclosure. We attract our own issues. Kaya naramdaman namin na nahihirapan kami i-contain at tanggapin yung emosyon na nangingibabaw sa hall kanina kasi kami din mismo may mga issue na katulad ng sa mga nisi-share ng mga residents. Although na-refresh niya yung pain ko na onti-onti ko ng nakakalimutan, okay na din sakin kasi ngayon mas naiintindihan ko na din. Naalala ko lang talaga yung sinabi sakin ng taong may sama sakin ng loob ngayon na 'pinapatawa ko daw siya kasi psych ako pero hindi ko ma-express yung sarili ko'. Alam ko yun. Aware ako dun. And I also thought that was weird and wrong, but now am realized it is not. At least I am aware. That's my issue. And I do certainly agree that am attracts my own issue. I do.
I also learned other things about psychotherapy, that one skill that we must learn before using psychotherapy is attending to yourself. That means na hindi ka lang nakikinig sa kung ano mang sabihin ng client mo saýo, kundi pati sa sarili mo mismo. ^_^
No comments:
Post a Comment