Sunday, September 4, 2011
A Shoe Tale: A SHOE TALE'S BLOG ANNIVERSARY GIVEAWAY: PART 3
A Shoe Tale: A SHOE TALE'S BLOG ANNIVERSARY GIVEAWAY: PART 3: Here's part 3 of my anniversary giveaway!! I am VERYYY excited for this shoe brand and I'm sure you are too! :) For everyone waiting, here...
Tuesday, April 12, 2011
I want to win the Tickets to The BIG Outlet Sale by Malibu Enterprise from Trip or Treats
yay! i do not have any BPI cards w/ me but i'm willing to pay that extra 50 pesos to be here.i would just like to try my luck, actually. hehe..please, Trip or Treats.. isama nyo ko sa 100 na yun. ;)
http://triportreats.blogspot.com/2011/04/big-outlet-sale-2011-goodie-giveaway.html
Monday, March 1, 2010
Attracting My own Issue
Founded by Dr. Randy Dellosa,Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviours. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com
First day ng March ngayon - Welcome March! :D
Tapos na ang theme na Healing the Inner Child, ngayon namang week ang them ay FORGIVENESS. During the morning session, nagkaroon kami ng light activity as an introduction to our theme. Nagkaroon kami ni Nadz ng chance na makasali sa first group. Parang Picture Perfect kasi yung activity namin nun, kung saan mag-iisip kami ng 3 to 5 scenes na nagpapakita ng 'forgiveness'. Sa group 1 kami napunta ni Nadz kasama yung karamihan sa mga 'slow' residents, slow, sila kasi yung mga residents na mababagal talaga, yung tipong hindi magalaw samantalang yung mga active ay nasa group 2. Nahirapan nga kami sa brainstorming kasi hindi lahat nagsasalita, actually 4 lang yung naisip namin tapos nag-back up na lang kami ng isa. Hehe.. Pero I was surprised to find out na yung group pa namin yung nanalo! Wow talaga. Galing! Galing!. Hehe.. So we started the day light but we wanted it to end a little personal and serious kaya tinuloy na namin sa afternoon session yung unang suggestion ni Laura na activity. Dun sa activity na yun, kailangang mag-alala yung mga residents ng isang tao na nakasakit sa kanila, once na naalala na nila, iisipin nila na sila yung taong yun at magsusulat sila ng letter asking for forgiveness sa sarili niya or sa kanya talaga since sila naman yung nasaktan ng taong yun. Inaantok talaga ko ng mga panahon na yun kaya kinakausap ko na alng yung mga residents sa table ko para magising-gising naman ako, pero I did not dare asked them kung ano yung nakasulat sa letter nila, tinanong ko lang kung sino yung naisip nila. During the processing part by Kalya, nag-share naman yung karamihan sa kanila ng mga letter nila, except lang sa isang female resident na tumanggi, at sa iba pa na hindi nag-volunteer. Haay. Grabe yung atmosphere dun sa session hall kanina, naramadaman ko talaga siya, as in ang bigat, inaantok na nga ko tas ang bigat pa ng pakiramdam ko, pero pinilit ko makinig sa mga sinasabi nila, minsan lang magkaron ng ga'nong discussion nang kasama kami.
Today I had gained so much insights and learning rfrom the residents mismo, at sa meeting namin with Sir Al after, although hindi ko na-share yun sa meeting namin. Sa morning pa lang, narinig ko na yung humulity and sincerity na kailanga kapag humihingi ng forgiveness. Actually, right now, I'm on the process of asking for forgiveness to someone na nasaktan ko, sabi nga niya, and while listening to the residents in the morning session, I asked myself whether ako ba ay sincere at nagpapakumbaba nang nag-sorry ako sa taong yun? Naalala ko din ng matanong ni Kuya M kung bakit daw mahirap para sa iba yung magpatawad, at ang sagot ng iba pang resident dun- dahil sa PRIDE. Exactly. Throughout the years na nag-aaway kami ng taong yun, yung pride yung pumipigil samin para magbati. Sadly, pero totoo. Ma-pride akong tao.
During our meeting with Sir Al, dun ko nalaman na hindi lang pala ako yung nakakaramdam ng ganun, may iba din pala, so hindi ako nag-iisa. Hindi ako yung nag-iisa na mayy problema when it comes to self-disclosure. We attract our own issues. Kaya naramdaman namin na nahihirapan kami i-contain at tanggapin yung emosyon na nangingibabaw sa hall kanina kasi kami din mismo may mga issue na katulad ng sa mga nisi-share ng mga residents. Although na-refresh niya yung pain ko na onti-onti ko ng nakakalimutan, okay na din sakin kasi ngayon mas naiintindihan ko na din. Naalala ko lang talaga yung sinabi sakin ng taong may sama sakin ng loob ngayon na 'pinapatawa ko daw siya kasi psych ako pero hindi ko ma-express yung sarili ko'. Alam ko yun. Aware ako dun. And I also thought that was weird and wrong, but now am realized it is not. At least I am aware. That's my issue. And I do certainly agree that am attracts my own issue. I do.
I also learned other things about psychotherapy, that one skill that we must learn before using psychotherapy is attending to yourself. That means na hindi ka lang nakikinig sa kung ano mang sabihin ng client mo saýo, kundi pati sa sarili mo mismo. ^_^
Friday, February 26, 2010
Send-off/ Birthday Bop!
Founded by Dr. Randy Dellosa,Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviours. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com
Dumating ako before lunch sa LCRC. Unlike the previous days, my mood was much better, maybe a visit from my HS school (redundant ba?hehe) helped, kasi since then I can't help smiling na. If yesterday I had to remember sad experiences, ngayon puro happy moments naalala ko sa HS school namin, natuwa naman ako kasi dun din mismo yung sad experience ko. :)
Pagdating, narinig ko na nag-eenjoy yung mga residents, naisip ko agad na baka naglalaro na sila ng Mismo sa loob, nainggit naman ako, pero nahiya naman ako pumasok pa kaya inumpisahan ko na lang yung interpretation ng DAP ng isang applicant. After lunch, nagsimula na kaming mag-asikaso ng mga kailangan pang tapusin para sa culminating program/birthday bop/send off party, both for Kuya P. Finally, i know na maagal na niyang inaasam-asam yun.
The culminating program went well, well except sa presentation ata namin (hahaha!). After nito yung birthday/send off party for Kuya P. Aware pala si Kuya P sa birthday party niya pero hindi niya alam na send-off na din pala niya. I was watching him when he welcomed his parents and his brother, pero the most am was glad was kung pa'no siya nag-react ng i-announced ni Sir sa lahat na today is Kuya P's send-off also! Wow! Isn't it the most wonderful gift na pwede niyang matanggap?! Kaya naman napatalon siya halos sa tuwa. Kahit ako nadamay sa sobrang katuwaan niya. Finally talaga! :D First time ko din na makita yung mother and brother ni Kuya P, and by that talagang naga-agree ako kay Sir kung ga'no ka-suportive ng family niya sa kanya. The whole program was a superb celebration talaga. Everyone was happy para kay Kuya P, and at the same time, sad din kasi mababawasan na din sila. May iba din na napansin ko na nakaramdan ng inggit sa kanya based sa facial expression nila pero they were still suportive in giving their messages to him. ^_^ Another male resident was also discharged, kaso against medical advice ata, kasi early that afternoon lang samin na-inform ni Sir yung tungkol dun. Haay. Hindi man lang kami nakapagpaalam kay Kuya W. Kahit picture man lang. He's been good pa naman recently to us, at mabati. Mami-miss namin siya, sila ni Kuya P. Anyway, I'm happy for the both of them. Sana kung ano man yung natutunan nila sa LCRC, kung ano mang yung transition na nangyari sa kanila during their stay there, hopefully ipagpatuloy nila yun. Good luck sa kanilang 2. ^_^
Thursday, February 25, 2010
MIsmo! :D
Founded by Dr. Randy Dellosa,Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviours. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com
Naging napaka-emotional ng week na 'to para sakin dahil sa isang problemang hindi ko inexpect na magwo-worsen pa. And today's worship service was one of the most intimate for me. Sa song pa lang na ni-prepare ni Rio, I'd became so emotional na, more on sa lecture ni Pastor Paul, kung saan talagang isinaisip ko yung mga sinabi niya. Like my own undestanding of this week's theme, Pastor Paul mentioned that an inner child involves hurtings & pains from the past, which may be from childhood, aand in healing that inner child within us, kailangan nating balikan yung inner child na yun at muling damdamin at intindihin at tanggapin yung particular na situation na yun, at saka lang makakapag-let go. Pastor Paul even shared to us a particular event in his childhood na ginawa niyang example, kahit siya nahirapan siyang alalahanin yun kasi napakasakit nun para sa kanya, pero ginawa pa din niya para sa amin, salamat Pastor Paul. :) After that, nag-share siya samin ng steps inhealing the inner child, which are the following:
- ALLOW
- ACCEPT
- UNDERSTAND
- LET GO
Katulad nga ng sabi ko kanina, kailangan alalahanin muna yung particular event o situation na yun, kasama yung mga emotions na naramadaman noon. Pagkatapos maalala, kailangang tanggapin yung nangyari, tanggapin na hindi na yun mababao pa at ang pwede na lang gawin ay pansinin kung ano yung pwede matutunan mula dun. Once na matanggap na yun, magagawa ng intindihin kung bakit nangyari yun sa'yo. Finally, kailangan pakawalan mu na yung anumang sakit na naramdaman mo noon at saka ka lang makakapagsabi na nakapag-let go ka na. Once na nagawa mo nang mag-let go, nagawa mo na ding -heal yung inner child na puno ng sakit natin. He also added na yung mga pains na nararamdaman namin ngayon ay maaaring may kaugnayan sa mga nangyari samin dati, kaya itinuro niya samin yung steps na yun kung saan parang babalik kami sa mga nangyari samin. Actually, during that particular time, napasang-ayon ako kay Pastor Paul, after kong sundin yung sinabi niya. Na-realize ko kasi na yung nararamdaman kong sakit nung mga panahon na yun, ay dahil sa isang pangyayari noong bata ko, na actually naibigay ko ng example sa mga residents nung Monday nang mag-facilitate ako ng main activity. I was so surprised to myself na magrere-surface pa din yung emosyon na yun, ngayong matanda na ko, akala ko kasi para sa mga bata lang yun, yun pala hindi. Haay.
During the afternoon naman, naglaro kami ng MISMO with my classmates and Sir Al. Sinubukan muna namin bago namin iintroduce sa mga residents yung bagong board game na binili nla. Dahil dyan, medyo nawala yung lungkot & sama ng loob ko. Sobrang nakakatawa kasi. :D
Tapos, instead na movie watching, we decided na mag-rehearse na lang yung mga residents para sa culminitaing presentations tomorrow. Pero bago pa kami mag-start, kinailangan muna i-check ni Sir yung condition/feelings/nararamdaman nila, to make sure na hindi sila symptomatic katulad kahapon. It was a long talk with Sir Al kasi kinamusta niya isa-isa yung mga residents, akala ko nga hindi na sila makakapag-rehearse. The atmosphere of the session hall that time was so serious and silent, yet so interesting, kahit nga si Nurse Beck nagka-interes kanina, andun lang kasi sa nakikinig, nagtatanong siya samin kung ganun daw ba si ganung resident at nakakatuwa daw pala makita yung mga reactions ng mga residents during session. ^_^
Buti na lang at kinausap muna sila ni Sir Al bago namin sila kausapi, kasi sa palagay talaga namin, nakatulong yun para maging mas maayos yung mga residents, mas naging hindi bugnutin at mas positibo. Galing! Galing mismo! :D
Wednesday, February 24, 2010
Batang Bata Pa Nga..
Founded by Dr. Randy Dellosa,Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviours. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com
Since Sir Al told us na magkakaroon ng presentations yung residents for the culminating program on Friday, inintroduce na ni Leader-for-the-week Dana yung presentations at yung mga songs na gagamitin nila pati na yung community song. Maaga kasi natapos yung cute art activity namin kanina kaya nag-decide na kami na mag-umpisa na mag-prepare para dun, although nagulat si Dana dun. hehe.. At first, yung Bawat Bata at Batang Bata Ka Pa yung napili ni Dana para sa presentations nila while yung Voice Within naman yung para sa community song, since hindi pa ata nila nagagamit yun. Kaso nga lang, hindi ata maganda pagkakahti namin ng grupo kasi karamihan sa mga lively residents ay napunta sa group 1 while yung mga nasa group 2 naman yung mga tahimik na residents. tsk. Although sakto naman yung song for each group (group 1 yung Bawat Bata & group 2 yung Batang Bata Ka Pa), nahirapan pa din yung group 2 , karamihan kasi sa kanila ayaw ma-cooperate tapos yung iba pa nagiging negative na hindi daw kasi nila kayang sundan yung kanta at kung ano pa. Haay. Grabe, sabi nga ng mga classmates ko na nagiging symptomatic na sila, particularly most of the group 2. Pati yung community song may reklamo yung isa sa kanila, kesyo hindi daw nila bagay kantahin kasi parang sosyal daw yung kanta. Haay. Masyadong negative sa loob ng hall kanina, hindi na nga alam i Dana gagawin niya. Until we left the hall na. Ka-stress.
Nang kamustahin kami ni Sir Al about sa afternoon session, nakwento namin yung negativity na pumulupot samin sa loob. So Sir Al had to remind us once again na we should learn to protect ourselves from such. At kailangan kaming matutong i-process yung mga ganung situation, at i-MSE sila ng on-the-spot. Kailangan din na pansinin namin kung papaano nga ba namin sila tinatrato, kasi baka naman daw minsan parang nagiging bata na sila sa paningin namin kaya ganun na namin sila natatatrato. Simula nun, dapat na kaming maging mindful, hindi lang tuwing may art activity, kundi mismo sa mga residents, sa mga ina-act nila, sa reasoning nila at kung anu-ano pa. Sana lang hindi na masundan pa yung ganung pangyayari kahit na sa tingin ko mukhang imposible. hmm..
Subscribe to:
Posts (Atom)