Founded by Dr. Randy Dellosa,Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviours. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com
Naging napaka-emotional ng week na 'to para sakin dahil sa isang problemang hindi ko inexpect na magwo-worsen pa. And today's worship service was one of the most intimate for me. Sa song pa lang na ni-prepare ni Rio, I'd became so emotional na, more on sa lecture ni Pastor Paul, kung saan talagang isinaisip ko yung mga sinabi niya. Like my own undestanding of this week's theme, Pastor Paul mentioned that an inner child involves hurtings & pains from the past, which may be from childhood, aand in healing that inner child within us, kailangan nating balikan yung inner child na yun at muling damdamin at intindihin at tanggapin yung particular na situation na yun, at saka lang makakapag-let go. Pastor Paul even shared to us a particular event in his childhood na ginawa niyang example, kahit siya nahirapan siyang alalahanin yun kasi napakasakit nun para sa kanya, pero ginawa pa din niya para sa amin, salamat Pastor Paul. :) After that, nag-share siya samin ng steps inhealing the inner child, which are the following:
- ALLOW
- ACCEPT
- UNDERSTAND
- LET GO
Katulad nga ng sabi ko kanina, kailangan alalahanin muna yung particular event o situation na yun, kasama yung mga emotions na naramadaman noon. Pagkatapos maalala, kailangang tanggapin yung nangyari, tanggapin na hindi na yun mababao pa at ang pwede na lang gawin ay pansinin kung ano yung pwede matutunan mula dun. Once na matanggap na yun, magagawa ng intindihin kung bakit nangyari yun sa'yo. Finally, kailangan pakawalan mu na yung anumang sakit na naramdaman mo noon at saka ka lang makakapagsabi na nakapag-let go ka na. Once na nagawa mo nang mag-let go, nagawa mo na ding -heal yung inner child na puno ng sakit natin. He also added na yung mga pains na nararamdaman namin ngayon ay maaaring may kaugnayan sa mga nangyari samin dati, kaya itinuro niya samin yung steps na yun kung saan parang babalik kami sa mga nangyari samin. Actually, during that particular time, napasang-ayon ako kay Pastor Paul, after kong sundin yung sinabi niya. Na-realize ko kasi na yung nararamdaman kong sakit nung mga panahon na yun, ay dahil sa isang pangyayari noong bata ko, na actually naibigay ko ng example sa mga residents nung Monday nang mag-facilitate ako ng main activity. I was so surprised to myself na magrere-surface pa din yung emosyon na yun, ngayong matanda na ko, akala ko kasi para sa mga bata lang yun, yun pala hindi. Haay.
During the afternoon naman, naglaro kami ng MISMO with my classmates and Sir Al. Sinubukan muna namin bago namin iintroduce sa mga residents yung bagong board game na binili nla. Dahil dyan, medyo nawala yung lungkot & sama ng loob ko. Sobrang nakakatawa kasi. :D
Tapos, instead na movie watching, we decided na mag-rehearse na lang yung mga residents para sa culminitaing presentations tomorrow. Pero bago pa kami mag-start, kinailangan muna i-check ni Sir yung condition/feelings/nararamdaman nila, to make sure na hindi sila symptomatic katulad kahapon. It was a long talk with Sir Al kasi kinamusta niya isa-isa yung mga residents, akala ko nga hindi na sila makakapag-rehearse. The atmosphere of the session hall that time was so serious and silent, yet so interesting, kahit nga si Nurse Beck nagka-interes kanina, andun lang kasi sa nakikinig, nagtatanong siya samin kung ganun daw ba si ganung resident at nakakatuwa daw pala makita yung mga reactions ng mga residents during session. ^_^
Buti na lang at kinausap muna sila ni Sir Al bago namin sila kausapi, kasi sa palagay talaga namin, nakatulong yun para maging mas maayos yung mga residents, mas naging hindi bugnutin at mas positibo. Galing! Galing mismo! :D
No comments:
Post a Comment