Founded by Dr. Randy Dellosa,Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviours. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com
Since Sir Al told us na magkakaroon ng presentations yung residents for the culminating program on Friday, inintroduce na ni Leader-for-the-week Dana yung presentations at yung mga songs na gagamitin nila pati na yung community song. Maaga kasi natapos yung cute art activity namin kanina kaya nag-decide na kami na mag-umpisa na mag-prepare para dun, although nagulat si Dana dun. hehe.. At first, yung Bawat Bata at Batang Bata Ka Pa yung napili ni Dana para sa presentations nila while yung Voice Within naman yung para sa community song, since hindi pa ata nila nagagamit yun. Kaso nga lang, hindi ata maganda pagkakahti namin ng grupo kasi karamihan sa mga lively residents ay napunta sa group 1 while yung mga nasa group 2 naman yung mga tahimik na residents. tsk. Although sakto naman yung song for each group (group 1 yung Bawat Bata & group 2 yung Batang Bata Ka Pa), nahirapan pa din yung group 2 , karamihan kasi sa kanila ayaw ma-cooperate tapos yung iba pa nagiging negative na hindi daw kasi nila kayang sundan yung kanta at kung ano pa. Haay. Grabe, sabi nga ng mga classmates ko na nagiging symptomatic na sila, particularly most of the group 2. Pati yung community song may reklamo yung isa sa kanila, kesyo hindi daw nila bagay kantahin kasi parang sosyal daw yung kanta. Haay. Masyadong negative sa loob ng hall kanina, hindi na nga alam i Dana gagawin niya. Until we left the hall na. Ka-stress.
Nang kamustahin kami ni Sir Al about sa afternoon session, nakwento namin yung negativity na pumulupot samin sa loob. So Sir Al had to remind us once again na we should learn to protect ourselves from such. At kailangan kaming matutong i-process yung mga ganung situation, at i-MSE sila ng on-the-spot. Kailangan din na pansinin namin kung papaano nga ba namin sila tinatrato, kasi baka naman daw minsan parang nagiging bata na sila sa paningin namin kaya ganun na namin sila natatatrato. Simula nun, dapat na kaming maging mindful, hindi lang tuwing may art activity, kundi mismo sa mga residents, sa mga ina-act nila, sa reasoning nila at kung anu-ano pa. Sana lang hindi na masundan pa yung ganung pangyayari kahit na sa tingin ko mukhang imposible. hmm..
No comments:
Post a Comment