Founded by Dr. Randy Dellosa,Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviours. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com
Day 14: January 13, 2010; Wednesday
Since it is Wednesday, the residents had their aerobics, and since naayos na yung player nila at tapos na din naman sina Gayle sa practicum nila, ginamit na ng mga residents yung aerobics video. Kung yung last time nanood lang kami, this time nakisali na kaming mga practicumers. We grab weights na din pero hindi na kami naki-share sa mats ng mga residents syempre. Naenganyo ako sumunod kasi may isang step dun na tingin ko makakatulong sa aking back pain, kaya nga lang kailangan nakadapa, pero dahil sa gusto ko siya talaga ay ginawa ko pa din, buti na lang sinamahan ako ni Jean sa pag-back raise, so hindi ako ganoon nahiya. :)
On the afternoon session, first time naming na-meet si Miss Faye, ang tunay na Art Angel ng LCRC, para sa art activity nila. Wednesday afternoon is actually an art session at LCRC. Because it is an art session, it will involve lots of art materials, kaya pinaalalahanan kami ni Sir na i-inventory ang lahat ng materials na dadalhin namin sa loob, we must make sure na kumpleto yung mga gamit after ng activity especially. Para samin, naging napakalaking responsibility nun.
The activity was about drawing your partner's silhouette in a manila paper and then putting their dreams inside their silhoutte. During the activity, napansin ko na nag-eenjoy talaga yung mga residents kapag art activity. marami sa kanila ang artistic and mahilig sa madaming kulay. Ang saya nga sumali e, kaso kaming practicumers yung nagfa-facilitate sa bawat pairs. Yung pair na inobserbahan ko mostly ay sina Ate D(uli) and Kuya Ed. Si ate D, gustung gusto niya ginagawa niya, she used different colors for drawings as well as for writing her dreams, so medyo hinayaan ko na siya mag-isa para tuunan naman yung ka-partner niya, si Kuya Ed kasi napansin ko sa kanya since nung first na ma-encounter ko siya na madali siyang umayaw so naisip ko na i-encourage pa siya habang nagdo-drawing siya para mapaganda pa niya yung silhouette niya, I kept on asking him what are his dreams, aside sa mga naisulat niya na iilan lang. I tried my best para i-encourage pa siya sa paggawa. Kaso sabi niya satisfied na daw siya sa drawing niya and wala na siyang ibang dreams na gustong ilagay. He seemed to enjoy and not annoyed sa pangungulit ko sa kanya kait na ganun. Hehe.. The residents are supposed to cut the silhouette pero sabi ni Miss Faye next week na lang daw. Tulad naming practicumers, kahit si MissFaye ay nawili ay nabilib sa mga gawa ng mga residents, especially kay G (female), kasi yung ginawa niya ay nagpapakita talaga ng kung sino siya here and now, at that exact moment kasi kung anong suot niya mismo ganun yung itsura ng drawing niya, at yung ang gusto ipakita ni Miss Faye regarding sa kanilang artworks nung araw na yun. Kung sino sila, kung ano yung naiisip nila, at mga gusto nilang makuha right then at that exact moment. Which is very relevant sa aming theme for that week. ^_^
No comments:
Post a Comment