Founded by Dr. Randy Dellosa,Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviours. It is located at #105 Scout Rallos Street, Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415-7964 or 415-6529. You may also visit www.randydellosa.com
Day 22: February 1, 2010;Monday
First day ng February, so start na ng preparation para sa week long celebration ng Love month next week with super special Valentine Program also next week. Sobrang dami ata namin ginawa ng araw na ''to mismo, from morning until ng pauwi na kami. First, kinailangan namin mag-prepare ng short program para i-welcome si Peter, a foreign Psych Intern from Romania, sikat ang LCRC sa mga foreign interns, yung last na nakilala namin si Hanna. Nakakatuwa.:)
Regarding that program, napagalitan kami ni Sir Al kasi nagka-cram na naman daw kami at hindi namin in-introduce before hand yung welcoming song namin for Peter sa mga residents. Kahit madali lang naman yung song, dapat pa din daw inintroduce muna namin.
During the afternoon, nag-start na ko mag-prepare ng mga choices na fariy tale characters para sa aming valentine program. During the afternoon activity, the Nursing students from St. Mary's College joined us, to observe the residents as well as the dynamics of the structured learning experiences na pina-faciliate namin sa mga residents. They played as the judge for our main activity which is Blind Drawing, kung saan kailangan ma-draw ng mga resident yung sample drawing na hawak ni Kalya, habang naka-blindfold, magbibigay lang ng instruction yung mga groupmates nila kung ano yung dapat nila i-drawing. Hirap nito pero enjoy. Punung-puno ng cheer yung session hall. Hehe..
nakasama ako sa Group 1 and naging partner ko si Ate L. I thought na baka mahirapan siya sa instruction pag turn na niya kasi kapag nakakausap namin siya, laging malayo yung sinasagot niya at mapapansin mo talagang may sarili siyang mundo. But I was wrong, because I know, I noticed na kaya niyang pakinggan yung sinasabi namin na groumates niya, and she could even draw.:) After the activity, Sir Al let them choose na which character to portray sa Valentines Party. I, myself was excited to know their choices. Nakita ko din na nae-excite yung mga residents mismo sa mga choices at sa program. I cannot wait. Super exciting 'to. ^o^
No comments:
Post a Comment